Kabataan, Kumusta Na?
Kabataan. . . pag-asa nga ba ng bayan?
Saan ka patutungo
Kabataan sa Kasalukuyan?
Kung ika'y lalabuy-laboy sa lansangan
Walang makain, walang masilungan
Pinagkaitan ng kalayaan
Inagawan ng karapatan.
Anong landas ang iyong tinatahak
Kung ika'y biktima ng pamilyang wasak?
Hindi man lang natutong bumasa
Ano rin ba ang alam mo sa pagsulat?
Kaya hayun, kinaibigan ang droga
Ginawang barkada ang alak.
Paano na ang pag-asa
Na hinihintay na bayan
Kung lagi kang laman ng pahayagan?
Kasabwat sa nakawan,
Sa holdapan, patayan
Kaya't kadalasan, bilangguan ang hantungan.
Kabataan, ano ang iyong kasasadlakan
Kung patuloy kang susunod
Sa kaway ng kasamaan?
Maling gawi, bakit di mo talikdan
At tahakin ang panibagong bukas
Na sa iyo ay naghihintay.
Kabataan. . . pag-asa nga ba ng bayan?
Saan ka patutungo
Kabataan sa Kasalukuyan?
Kung ika'y lalabuy-laboy sa lansangan
Walang makain, walang masilungan
Pinagkaitan ng kalayaan
Inagawan ng karapatan.
Anong landas ang iyong tinatahak
Kung ika'y biktima ng pamilyang wasak?
Hindi man lang natutong bumasa
Ano rin ba ang alam mo sa pagsulat?
Kaya hayun, kinaibigan ang droga
Ginawang barkada ang alak.
Paano na ang pag-asa
Na hinihintay na bayan
Kung lagi kang laman ng pahayagan?
Kasabwat sa nakawan,
Sa holdapan, patayan
Kaya't kadalasan, bilangguan ang hantungan.
Kabataan, ano ang iyong kasasadlakan
Kung patuloy kang susunod
Sa kaway ng kasamaan?
Maling gawi, bakit di mo talikdan
At tahakin ang panibagong bukas
Na sa iyo ay naghihintay.
Mula sa: Ang Silahis
Gintong Pamana II, 2000
FYI: Klzm8s! Ito ang idedeliver ko na poem sa FIIPINO
IS it OK? Pls. add your comments. TY.
I love so much the message of the poem!!!
IS it OK? Pls. add your comments. TY.
I love so much the message of the poem!!!
No comments:
Post a Comment