Welcome to my world. . . vananimous!!!

Friday, January 7, 2011

Sugod

SUGOD

Sabay sa pagsikat ng araw
Ay isang bagong hamon
Sisilay ang mapunyaging ngiti
Na nagsasabing sugod kaibigan
Kaya mo ‘yan

Likas tayong matatapang
Nakatatak na sa’ting puso at isipan
‘Wag magdalawang isip
Sugod kapatid ‘di ka nag-iisa

Sugod kilos kabataan
Malikhain ka kaya mong baguhin ang mundo
Sugod lang nang sugod dahil ‘di ka nag-iisa

Makiisa sa buhay makilaro
Ipagbunyi ang tunay na talent
Taas noo isa kang Pilipino
Halika na’t ipagsigawan mo

‘Wag mong ipagdamdam
Kung may pagkatalo man
Ang buhay ay talagang ganyan
‘Di dapat sumuko
‘Di ganyan ang Pilipino
Magkaiba man ang lahi
Tandaan mo isang bansa isang diwa
pa rin tayo

Lyricist:
Vanisa Diwata

Arrangement and Music:
Romae M. Apolinaria
Chamgar A. Buhawe

Song Interpreter:
Romae M. Apolinaria

No comments: